“Bestida”
Nakakatamad ang araw na ito, pero hindi naman maaari na wala akong gawin para malibang ako at panandaliang makalimutan ang problema. Malayo na ang nalalakad ko at tahimik kong tinatanaw ang kabuuan ng mall na ito. Maraming makikita na kaaya-aya sa paningin, yun nga lang ay bilang ang laman ng aking mumunting kalupi na regalo pa sa akin matalik kong kaibigan. Sa paglalakad ko’y napapaisip ako ng malalim, paminsan-minsan ay napapangiti at napapahalakhak din dahil sa kakulitan ng mga kamag-aral ko. Hindi man ako makasabay sa indayog ng kanilang katuwaan dahil na rin siguro may bumabagabag sa aking kalooban ay patuloy pa rin ako nakikinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Alam kong hindi mawawala ang katuwaan sa amin kahit pa may mas malaking responsibilidad na nakaatang sa amin ngayong araw. Naisip ko na bahagi na rin ng kultura ng seksyon namin ang palagiang “rush hour” sa trabahong pang akademiko. Minsan akong lumihis ng kaunti sa bulto ng mga kamag-aral ko, napansin ko kasi ang isang botique, may magagara at pang sosyal na mga kasuotan na mabibili sa botique na ito. Naalala ko tuloy ang aking Ina, mahilig sya sa bestida lalo na yung bulaklakin. Naisip ko naman kung bibilhan ko sya ng bestida, maappreciate kaya niya? Sa tuwing makakakita akong bestida ay naaalala ko sya,ang bilugang mukha ng aking ina na kahit inukitan na ng kasaysayan ay makikita pa rin ang kagandahan ng aking ina. Kapag siya ang naiisip ko, ginagawa ko lahat para lang matuwa siya kapag uuwi ako, kung kaya naman ay ibinili ko siya ng isang bestida sa ibang bilihan ng damit para makamura, hindi man mamahalin ay makikita naman na maayos at bago ito. Abot-langit ang pagkakangiti ko habang nakikipagkulitan sa mga kamag-aral ko, at unti-unti na naming napapansin na gabi na pala. Naglibut-libot pa kami para sulit ang biyaya, ika nga. Pasado Alas Nuwebe na ng gabi ng makababa ako ng dyip, at halos masimot ang laman ng aking mumunting kalupi. Ngunit balewala iyon kumpara sa kagalakan na nadarama ko habang hawak ko ang bestidang ito. Nananabik ako na maibigay ito sa aking ina at kahit ngiti at pasasalamat lang ang maibalik niya ay tatanggapin ko g buong-buo tulad ng pagtanggap ko sa kanya bilang nag-iisa kong Ina. Subalit laking gulat ko nalang nang magbukas ang pinto ay sampal agad ang isinalubong sa akin ng aking Ina. Saan ko daw dinala ang cellphone ng kapatid kong bunso? Laking pagtataka ko naman na ganun ako kabilis napagbintangan at napagbuhatan ng kamay gayong inosente ako at walang alam sa nangyari. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha, ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ako nagkikimkim ng anumang sama ng loob sa kanila. Itatago ko na lamang ang “bestidang ito” hanggang sa humupa ang galit sa akin ni Ina at matuklasan ang tunay na nangyari sa lintik na cellphone na yun!
Friday, January 28, 2011
Sunday, January 23, 2011
"PAMAGAT PALANG...GUSTO KO NG BASAHIN"
Ang Papel at Kalagayan ng Midya sa Pulitika sa kasalukuyang panahon
Layunin :
1. Nalalaman ang suliranin ng midya sa pangangalap ng impormasyong may kaugnayan sa lipunan at politika.
2. Na matukoy kung paano nalulutas ang mga suliraning kinakaharap ng midya sa kasalukuyan.
3. Maibahagi ang pahapyaw na kasaysayan ng midya sa Pilipinas.
4. Malaman ang kahalagahan at kaugnayan ng midya sa pulitika at lipunan na kinabibilangan nito.
5. Malaman kung ano ang mga batayang gawain ng midya sa bansa.
Tatalakayin sa papel na ito ang mga suliranin ng midya at kung ano ang puwang nito sa gobyerno sa pangangalap ng mga impormasyon na ibinabato naman sa sambayanan. Marami kasing grupo ng miodya ang tumututol sa hindi makatarungang pakikibagay ng gobyerno sa mga mamamahayag. Tatalakayin din dito ang mga paraan kung paano nalulutas mismo ng midya ang mga suliraning kinakaharap nila at maipakita kung ano ang papel nila sa lipunan at pamahalaan. Handa naman ang mga media practitioner sa kahit anong batas maliban na lamang kung ang mismong karapatan nilang magpahayag at mag-ulat ng mga katotohanan ay naabuso. Pahahapyawan din ang mga nakalipas na kalagayan o mga alituntunin ng midya. Ang midya at pamahalaan ay dalawa sa mga bagay na bumubuo sa ating lipunan. Kung aalisin ang isa kawalan ito para sa mga naiwan . Nangangailangan lang ng pagrespeto ng karapatan ng bawat isa at di pang abuso at pagmamanipula.
Sanggunian:
Abaya, Hernando J. “A World of Fable and Fantasy: Cold War Propaganda and Our Press Elite.” The Filipino Press and Media, Democracy and Development. University of the Philippines Press. 2001. 187-197
. “Propaganda and the Philippine Press.” The Filipino Press and Media, Democracy and Development. University of the Philippines Press. 2001. 93-101
Almario, Virgilio S. Si Rizal: Nobelista (Pagbasa sa Noli at Fili Bilang Nobela). University of the Philippines Press. Quezon City. 2008
_, Tagasalin El Filibuterismo, Jose Rizal. Adarna House. Quezon City. 1999
Barranco, Vicente F. The Rise and Fall of “El Renacimiento.” The Filipino Press and Media, Democracy and Development. University of the Philippines Press. 2001. 63-65
Bignell, Jonathan. Media Semiotics. Oxford Road, Manchester. Manchester University Press. 1997
de Jesus, Melinda Quintos. “Media and Society: News Media in a Democracy.” The Filipino Press and Media, Democracy and Development. University of the Philippines Press. 2001. 22-31
de la Costa, Horacio S. J. Readings in Philippine History. Bookmark, Inc. Makati City. 1992
Dutton, Bryan et. al. Studying the Media. New York. Arnold Publishing. 1998
Halloran, James D. “The Inoculation Approach.” Media Education, Alvarado, Manuel (ed.) British Film Institute. 1992
Subscribe to:
Posts (Atom)